Wednesday, August 1, 2018

Tangkilikin ang Sariling Atin

          Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikasa buong bansa. Ngayong taon ang tema ng Buwan ng Wika ay Filipino: Wika ng Saliksik. Makikita natin na sa tema palang na ang pagbabago ay palaging nangyayari pati ang ating sariling wika ay merong mga pagbabagong nagaganap at sa kabilang banda marami din itong pagbabagong naitutulong sa bawat Pilipino. Ika nga sa katagang "Change is the only permanent thing in the world" o sa tagalog ay ang pagbabago lamang ang nag iisang permanente sa mundo. Ang tema ay nakabase sa memorandum na ginawa ng DepEd sa tulong ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
          Nais ng Komisyon ng Wikang Filipino na kilalanin natin ang ating sariling wika bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Naniniwala daw sila na sa pamamagitang ng temang ito na mapapalaganap angb wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng agham at matematika. Sa aking pagoobserba naman maraming mga tao lalo na ang mga estudyante ang nahihirapan sa wikang Ingles kung kaya't magandang ideya ang kanilang naisip na gawing tema ngayong taon. Napakaimportanteng gamitin natin ang sariling atin dahil ito ang ating pagkakakilanlan. 
          Tangkilikin at mahalin ang sariling atin. Gawing sentro ng ating buhay ang ating wika. Pag ito'y ating ginawa ng may pagkakaisa makakamit natin ang hinahangad na kapayapaan. Manaliksik gamit ang ating wika.

1 comment: