Sunday, December 2, 2018

Pag-asa ng ating Bayan

          Tuwing buwan ng Nobyembre ipinagdiriwang  natin ang isa sa mga mahalagang okasyon ang Buwan ng mga Bata o National Children's Month na may temang "Isulong: Tamamng Pag-aaruga para sa lahat ng Bata. Siguro naman ay pamilyar na kayo sa kasabihang "ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan" ngunit sa aking palagay ang kasabihang ito'y unti-unti ng nawawala o di na ito pinapahalagahan.
          Lahat tayo ay may responsibilidad at panangutan upang masiguro na ligtas mula sa lahat ng kapahamakan ang ating mga kabataan. Nakakalungkot dahil sa ngayon ay napakaraming kabataan ang nagiging biktima ng iba't ibang klase ng karahasan sa ating lipunan. Ayon sa datos ng 2016 National Baseline Study on Violence Against Children na ginawa ng Council for the Welfare of Children, United Nations Children's Fund at kasama ng iba pang ahensya ng gobyerno at mga civil society organization, tatlo sa bawat limang kabataang Pilipino ang nakakaranas ng karahasan at higit kalahati sa kanila ay nararanasan ito sa mismo nilang mga tahanan.
          Paano sila magiging pag-asa at kinabukasan ng ating bayan kung sa murang edad ay sisnisira na ang kanilang dignidad? Kailangan nila ang tulong mula sa kanilang pamilya, lipunan, at pamahalaan.

1 comment:

  1. Tama, ang mga bata pa rin ang pag-asa ng ating bayan nararapat lang alagaan at masiguro na ang kanilang kaligtsan.

    ReplyDelete