Sa panahon ngayon halos lahat na ng mga tao ay nilamon na ng sistema ng teknolohiya. Ang teknolohiya na ang isa sa mga pinakimportante sa kanila ngayon. Noon ang papel lang ang ating gadget ay para sa komunikasyon ngunit ngayon ay lumawak na ang sakop nito. Ang gadget ang nagsisilbing libangan ng mga tao na siyang dahilan ng pagiging tamad ng mga tao.
Ngayon na tayo ay nasa modernong panahon. At ngayong buwan ng Filipino Values na may temang "Mapanuring gamit ng gadget: Tungo sa mapagkalingang ugnayan sa ating mga pamilya at kapwa". Dapat gamitin natin ng wasto ang ating mga gadgets. Gamitin natin ito sa pakikipag ugnayan natin sa ating mga pamilya at kapwa. Maging isang mabuting ehemplo sa ibang tao. Gamitin ng mabuti ang mga ito.
Sabi nga nila walang tao ang mabubuhay ng mag isa. Kailangan natin ang ating kapwa upang mabuhay. At sa pamamgitan ng mga gadget ay mas mapapatibay natin ang ating ugnayan sa ating mga pamilya lalo na sa ating kapwa.
No comments:
Post a Comment